top of page
Writer's pictureTrisha Faye Larracas

Social Media, Malaking Tulong sa Kaginhawaan – Sulong Binangonan

Updated: May 31, 2021


Napatunayan ng Sulong Binangonan Youth Organization na kapaki-pakinabang ang paggamit ng social media at teknolohiya bilang tulay sa pagpapakalat ng impormasyon upang makatulong at magbigay ng donasyon sa mga nangangailangan ngayong pandemya.

Ayon sa panayam kay Binibining Isobel Suba, kapwa nagtatag at isa sa tagapag-ayos ng Sulong Binangonan Organization, naging mahalagang sangkap ang social media upang malaman ng mamamayan ang kanilang organisasyon na nagdulot sa pagdating ng sangkaterbang donasyon.

“Sa totoo lang sobrang nakakataba ng puso na sa tuwing akala namin, mauubusan na ng stocks o 'di kaya hindi na kakayanin na magbukas ulit sa susunod, bigla-bigla talagang may dumadating,” aniya

Idinagdag pa ni Suba na sa kanyang palagay ay simula noong kumalat sa social media ang mga istorya tungkol sa pantry pangkomunidad, marami ang nabigyan ng inspirasyon na magsimula din ng sarili nilang pantry.

“Hindi nga lang sa donations actually, pero pati sa paghahanap ng volunteers at mga gusto pang magbukas ng sarili nilang pantries and maliban sa nakakatulong s'ya sa paglikom at pagtrack kung saan pwedeng i-distribute ang donations, it also helps in raising awareness,” aniya.

Sinabi rin niya na kung mas marami ang magiging pantry, mas marami rin ang mga nangangailangang tao na maaabot nito.

Bilang karagdagan, inilahad ni Suba na Maginhawa Community Pantry ang nagbigay sa kanila ng inspirasyon.

Given na madaming tao ang nawalan ng trabaho at walang mapagkukunan ng panggastos nila for their basic needs, nalaman namin na posible 'yung ganitong mga community pantries through Patricia Non ng Maginhawa St. and na-inspire kami na magsimula ng amin,” paliwanag niya.

Banggit pa niya, layunin ng organisasyong makapagbukas ng 15-20 mga pantry sa buong Binangonan hanggang Mayo sa kabila ng pagkakaroon nila ng 54 mga pantry sa buong bayan.

Bukod pa dito, nagbigay din siya ng mensahe para sa mga taong nagbabalak magtayo ng pantry na simulan ang kanilang naiisip kung nais talaga nila magbigay-tulong.

“Maraming tao ang gustong tumulong pero hindi lang nila alam kung paano and I think as community pantry organizers, we are providing platforms for them hindi lang for donations, pero para sa volunteerism din,” ani Suba.


2 views0 comments

Comments


bottom of page