Jamaico Ignacio, President of the High School Philippine History Movement
KUHA MULA SA | Jamaico Ignacio | Facebook | KAPSYON NI | Alyssa De Villa
Nagpayo ang High School Philippine History Movement Organization na marespeto, matiyaga at maayos na pagpapaliwanag ang sangkap sa epektibong panghimok sa isang taong taliwas sa katotohanan.
Mula sa panayam kay Ginoong Jamaico Ignacio, pangulo ng nasabing organisasyon, isiniwalat niya na kapag niyabangan ng isang tao ang kaniyang pagbibigay ng impormasyon ay mapapatakip tenga agad ang kahit sino.
“Kung gusto mo sabihan ‘yung tao, sabihin mo ‘yung totoo pero in a respectful way and a very humble way, iparating mo na matiyaga ka,” aniya.
Dinagdag pa Ignacio na na hindi dapat mag mukhang tanga ang isang tao na imumulat sa katotohanan.
“Kaya lang naman kasi minsan naiinis ‘yung mga ganoong uri ng tao, ang pinaparamdam sa kanila, pinag mumukha silang tanga eh iyon ang ayaw natin,” paliwanag niya.
Isinalaysay din niya na ganoon ang kaniyang estilong ginamit sa kanyang estudyante na may halong tiyaga sa pagbabahagi ng impormasyon.
Nilinaw pa niya na normal lamang kung hindi agad mapapaniwala ang isang tao.
“Dapat mahaba ang pasensya mo kasi in the first try hindi mo ‘yan makukuha, pero kailangan ipaki mo na sinabi ko lang naman sa’yo, hindi sa nagmamagaling, sinabi mo lang ang totoo,” aniya.
Bukod pa dito, naglahad din si Ignacio na ang estratehiyang pagbibigay ng agarang ebidensya ay isang magandang estratehiya.
“In the business of truth seeking, our agenda is to present what is true based on the evidences that we have but we are also open to other information as long as it is proven otherwise,” sambit ng guro.
Ibinahagi din niya na dalawa ang uri ng tao sa mundo at ang isa dito patuloy na dedepensahan ang kanilang paniniwala kahit ito ay mali sapagkat ang nasa isip nila ay ang kanilang kaakuhan at katayuan.
Dagdag pa sa kaniyang salaysay, ang isa naman ay edukado at may pagnanasa sa pagkatuto kaya may kakayahan silang maging mapagkumbaba at tanggapin ang pagkakamali.
Comentarios