top of page
Writer's pictureTrisha Faye Larracas

PAGLABAN SA PEKENG KASAYSAYAN HS Philippine History Movement: I-Research Mo, Kilatisin Mo

Updated: May 31, 2021


CAPTURED BY | Alyssa De Villa |

 

Iminungkahi ng High School History Movement Organization na kilatisin muna nang maayos ang mga impormasyon mula sa mga sanggunian nito sapagkat laganap sa social media ang mga maling kaalaman tungkol sa historya ng Pilipinas.

Mula sa pahayag ni Ginoong Jamaico Ignacio, pangulo ng organisasyon, naglalaman ang internet ng katotohanan ngunit hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng binaluktot na impormasyon.

“Kung titingnan n’yo ang Twitter, nagsilabasan ang ‘Happy Birthday Jose Rizal. Mabuhay ka!’ without realizing na hindi birthday ni Rizal ang December 30 dahil ito po ang araw ng kaniyang pagkabaril sa Luneta, ito po ang araw ng kaniyang kabayanihan,” paliwanag ni Ignacio.

Kaugnay dito, matatandaang pinuna ng HS Philippine History Movement ang pagkakamali ni Committee Chairperson of the Communications panel of the Philippine Army's Multi-Sectoral Advisory Board Robin Padilla tungkol sa paglalahad niya na ang De La Salle University ay itinatag noong panahon ng Espanyol.

Binigyang-linaw ng organisasyon na noong panahon ng Amerikano itinatag ang DLSU at nagpayo sila na makinig na lamang sa mga eksperto.

“Iwasan pong magpaniwala sa mga pseudohistorians o sa mga kung sinu-sino lang,” tugon pa ng organisayson na kumalat sa social media at ibat-ibang pahayagan.

Isinaad pa nila na walang personalan sa pangyayari dahil katotohanan lang ito.

Bukod pa rito, sinabi ni Emmanuel Caliwan, VP for professional affairs ng parehong organisasyon at isang sosyolohista na base sa kanyang obserbasyon ay tila nasa gitna ng digmaan ang sambayanan gamit ang mga impormasyon at mga kaalaman.

“Alam natin na itong mga impormasyon na ito na mga nasulat ay ginagamit para magdesisyon ang mga tao,” aniya.

Bilang karagdagan, Inugnay din ni Caliwan ang relasyon sa gitna ng pamamahayag at kasaysayan.

Narratives are powerful and even journalist should be aware that the narration that they are writing are the contemporary history, if I may, because these are contemporary news writing. You are writing what is currently happening,” abiso n’ya.

Inilahad din ni Caliwan na nais ng kanilang organisasyon na gawing makatuwiran ang mga tao at magkaroon marami pang makatotohanang impormasyon na nakabase sa ebidensya na maaaring maging gabay tulad ng kasaysayan at tulad ng pamamahayag.


5 views0 comments

Comments


bottom of page