top of page
Writer's pictureTrisha Faye Larracas

Bilang ng Bagong Botante, Nahuhuli sa Target ng COMELEC

Updated: May 31, 2021


Matiyagang nagsasagot ng registration forms sa Commission on Elections Office, Arroceros, Manila City, ang mga qualified na botante para sa halalan 2022 matapos muling buksan ng COMELEC ang pagpaparehistro noong Setyembre 1, 2020 para sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ). Inaasahang susunod ang mga dadalo sa health and safety protocols na inilatag ng pamahalaan kasama na rin ang disiplinadong pakikiisa sa naturang kaganapan.

| KUHA NI | Jonathan Cellona | ABS-CBN News | KAPSYON NI | Alyssa Ysabelle De Villa

 

Naitala na 1.33 milyon lamang ang nagparehisto para ma­kaboto sa 2022 elections, sa kabila ng target ng Commission on Elections (COMELEC) na apat na milyong bagong botante.

Ayon sa datos na nakalap ng COMELEC nitong Pebrero, 58 milyon ang kabuuang bilang ng taong nakarehistro para sa darating na eleksyon kasama ang 1.33 milyon na mga baguhan.

As of January ERB (Election Registration Board) hearing, nasa 58,204,224 ang registered voters natin,” ani Comelec Deputy Executive Director for Operations Teopisto Elnas sa pagdinig ng Senate committee on Electoral Reforms.

Matatandaan na isiniwalat ng COMELEC na apat na milyon ang nais nilang marka ng mga bagong botante ngunit tila 1.33 M pa lamang ito.

Kaugnay dito, inilapag ng COMELEC na magkakaroon ng 73 milyong mga Pilipino ang magiging 18 pataas sa 2022.

Ipinaliwanag ni Senator Francis Pangilinan na 15 milyong mga Pilipino na hindi pa maisasama sa bilang ng mga kalahok para sa halalan sa susunod na taon.

Bilang karagdagan, dahil sa nalalapit na halalan ay lumitaw din ang samahan ng gobyerno na BLAZE2022 na pinangungunahan nina Attorney Chel Diokno, Frankie Pangilinan at iba pa.

Layuning ng organisasyon na ito ang manghikayat ng mga kabataan na magparehistro para sa susunod na halalan.

Bukod dito, hanggang Setyembre 30 lamang ang pagpaparehistro mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at magkakaroon ng contact tracing pagkatapos.

Upang magparehistro ay maaaring pumunta sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC o mga Opisina ng Election Officer.

Ayon pa sa COMELEC, ang mga tanggapan na ito ay kadalasang matatagpuan sa malapit sa lungsod o munisipyo.


19 views0 comments

Comments


bottom of page