top of page
Writer's pictureJan Rennie Abat

Papel ng ma-KATOTO-hanang kasaysayan sa e-DUKHA-syon

Updated: May 31, 2021


SA PAG-AALAALA: Taos-pusong inihahayag ni Dr. Cristina Cristobal, isang Veteran Innovator in History ng Quezon, City, ang kaniyang nag-aalab na damdamin ukol sa pagpapayaman at pagpapanatili ng kasaysayan ng Pilipinas sa isipan ng bawat mamamayang Pilipino. Bilang isang educator, naniniwala si Dr. Cristina na mahalagang matamasa ng mga kabataan ang mga kaalaman ukol sa Philippine History upang mahubog ang kanilang kamalayan at pag-unawa sa nakaraan ng inang bayan.

KUHA MULA SA | Metrobank Association Outstanding Filipinos | Facebook |

 

Kaalaman. Kadukhaan. Kaibigan. Tatlong salita na siyang sumasalamin at sumisimbolo sa tila nakalubog na edukasyon at ginusot na papel ng makatotohanang kasaysayan.

Base sa ulat ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong Setyembre 2019, nanguna ang Pilipinas sa literacy rate na 97.5% sa buong timog-silangang Asya. Gayunpaman, sa parehas na taon, abot-langit ang pagkagulantang ng karamihan nang lumabas ang resulta at ulat ng Program for International Student Assessment (PISA) kung saan sa 79 bansa, panghuli ang Pinas sa pag-unawa sa pagbasa.

PAGBABAGO SA LITERASIYA’T E-DUKHA-SYON

Buong-loob at taas-noong inamin ni Frederick S. Perez na kasalukuyang presidente ng Reading Association of the Philippines (RAP) ang pangangailangan sa pagbabago upang paunlarin at pagyamanin ang edukasyon sa literasiya.

Right now, there is a need for critical literacy wherein both sides of a piece of information should be analyzed and cross-checked objectively,” ani Perez.

Hindi lamang ito usapan ng kakayahan sa pagsulat at pagbasa— ito’y usapin ng pag-unawa. Kaya naman ay nais niyang bigyang pansin ang kurikulum sa K-12 at palakasin ang programa. Sa kabilang banda, mayroong isang dako ng istorya kung saan bibigyang boses ang saysay ng kasaysayan.

KATOTO NG KASAYSAYAN

Tila magkaibigan kung tutuusin ang kasaysayan at katotohanan— sapagkat iminumungkahi ng High School Philippine History Movement na upang matutong sumuri ng kung ano ang totoo, maaari itong maidaan sa pag-aaral ng kasaysayan.

Kilala ang nasabing grupo bilang tagapagtaguyod ng kasaysayang ng bansa, at para sa kanila’y isa itong pagkakataon upang mabigyan ang mga estudyante ng oportunidad upang hasain at patalasin ang kanilang pag-iisip. Sa isang press conference nitong ika-22 araw ng Mayo, kanilang ibinandera ang paniniwala na malaki ang naging epekto ng pagkawala ng kasaysayan ng Pilipinas sa kurikulum ng hayskul.

Many of our students lack affection for history because of the traditional method that is used, but perhaps there is a way to love history. We’re not only teaching them facts, we want them to become critical thinkers,” salaysay ni Dr. Cristina Cristobal na 2019 Teacher Metrobank Awardee noong Pebrero 2019.

Nang dahil sa lumabas na mga ulat mula sa UNESCO at PISA, lalo lamang lumala ang pag-asa ng High School Philippine History Movement na sa susunod na pagsikat ng araw ay maayos na ang gusot sa papel ng kasaysayan at ang hangarin ng Reading Association of the Philippines na mayamang edukasyon ang nakukuha ng mga kabataan.


7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page