top of page
Writer's pictureJan Rennie Abat

Pagbuhay sa Kasaysayang Pilipino ng High School Philippine History Movement

Updated: May 31, 2021

Tagataguyod ng pamanang kasaysayan kung ituring, adbokasiya ng High School Philippine History Movement na muling buhayin ang kasasayang ng Pilipinas sa hayskul.

Dahil sa DepEd Order 20, 2014, inalis ang Philippine History bilang asignatura sa hayskul. Itinuturo na lamang ito sa elemetarya at habang tumatagal ay tila nababaon na sa limot ng mag-aaral ang ating kasaysayan, nawawala ang talas sa pagbabasa, at laganap ang pagkalat ng maling immpormasyon. Kaya naman, ganoon na lamang ang determinasyon nitong ibalik sa ika-10 baitang at ika-12 baitang ng pag-aaral.

Hindi maitatangging parte ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino ang ating kasaysayan. Ito ang kwento ng pagkasilang ng ating kultura at kwento ng ating mga ninuno.

Makatutulong din ito sa paglaban ng kanilang tinatawag na historical distortion kung nawawala ang diwa ng pagiging makatotohanan ng kasaysayan. Halimbawa nito ay ang mga conspira-chismis na nagkakalat ng impormasyon ukol sa kasaysayan kahit wala namang basehan.

Isa pang bagay na siyang maidudulot ng kanilang adbokasiya ay ang pag-iwas sa mga maling impormasyon na kasing bilis ng apoy kung kumalat.

Wika nga ni Joey Dela Cruz na government engagement director ng High School Philippine History Movement,

“Ang kasaysayan ay ang bumubuo ika nga ng perspektiba at ang kamalayan ng isang lipunan.”

Malayo-layo pa man ang kanilang pagdadaungan, ang kanilang paninindigan ay walang duda. Ipagpapatuloy ang adbokasiya hanggang sa muling ibalik ang kasaysayang Pilipino sa loob ng talakayan sa silid-aralan ng hayskul.


8 views0 comments

Comentários


bottom of page