top of page
Writer's pictureJan Rennie Abat

KOALISYON SA ELEKSYON: Kamalayan sa isang boto ng kinabukasan

Updated: May 27, 2021

| Iginuhit ni Angel Christelle Napay |

 

Isang tawag sa pagkakaisa na siyang bumuo ng Eleksyon 2022 Koalisyon. Para sa susunod na eleksyon at para sa minamahal na bansa— itinatak ang kamalayan.

Nagsagawa ang nasabing koalisyon ng isang virtual event nitong Mayo 22 na Love Kita Pinas. Binuo ng iba't-ibang aktor at

mga lider, kanilang adhikaing manghikayat na magparehistro dahil mahigit isang milyon pa lang ang rehistrado sa inaasahang pitong milyong bagong botante.

Sa simula, ibinahagi ni Macoy Dubs ang halaga ng isang boto.

“It symbolizes your voice, you as a Filipino— exercising that right and privilege sa sinong gusto mong maglead ng country natin,” wika niya.

Hindi lamang panghihikayat at pagbibigay kaalaman tungkol sa pagpaparehistro ang hatid nito, sila’y nagpahanga rin ng mga manonood. Nagtanghal ng iba’t-ibang musika tulad Love Kita Pinas ni KZ Tandingan at Botante Importante ni Kean Cipriano. Sa nalalapit na pagtatapos ng pagrerehistro, Iba’t-ibang mga pangalang kilala sa industriya at mga pangalang may ginagampanan sa lipunan ang nagbigay ng pangako.

Para sa pamilya at para sa bayan, 24 na Pilipino ang nangakong ipaparinig ang sariling boses at tutulong iparinig ang boses ng mga walang tinig. Artista. Doktor. PWD. Tiktoker. Sinundan man ng mga salitang ito ang katagang “Hindi lang ako,” nagbigyang buhay ang pangako nang dinugtungan ng “Pilipino rin ako.”

Sabi nga ni Mela Habijan, “Sa darating na 2022, walang kami o sila. Laging may tayo dahil tayo ang huhubog at bubuo ng bansang ito.”

Ipinakita ng koalisyong ito na ang tunay na pagmamahal sa Pilipinas ay ang pagpapahalaga sa sariling boto at ating tungkuling itaguyod ang demokrasya bilang mga Pilipino.


5 views0 comments

Recent Posts

See All

댓글


bottom of page