top of page
Writer's pictureBryan Roy Raagas

UGALI’T (PERSONA)LIDAD: Sining sa Likod ng Self-Defense

Updated: May 31, 2021

| Iginuhit ni Angel Christelle Napay |

 

Kaakibat sa pag-aaral ng bawat contact sport ang paghubog sa gawi ng tao.

Ganito kung ilarawan ng mga eksperto sa mundo ng pisikalang isports gaya ng karate, taekwondo, boxing, at iba pang martial arts ang paglinang sa aspeto nito. Nananalaytay din sa mga taong ito na kung walang pundasyon ang isipa’t puso, mahina ang panlabas na anyong nabubuo rito.

Wika nga ni Bruce Lee, “More and more I believe in the fact that you have two hands and two legs, and the thing is how to make good use of yourself – and that’s about it.

LINYA NG DETERMINASYON SA PAGLINANG NITO


Nakikita sa bawat atletang sinusubok ang pagpupursige rito, dahil hindi ito nakakamit basta lamang.

“Never akong nakakuha ng medal nung unang years ko. Literal na kulelat ako, but I never gave up. Ayon naging national team for three years, and currently a blackbelt teaching at our club,” sambit ni 3rd dan International Shotokan Karate Federation (ISKF) at dating mag-aaral ng Rizal National Science High School, Jaime Villegas.

Mayroon ding naniniwalang may resulta palagi ang pagpupunyagi, lalo na sa kanyang kakayahan, at sarili sa loob ng panahon, gaya ng apat na taong taekwondo varsity mula sa ika-11 baitang na si Keisha Anero. Binigyang pansin niya ang sinabi ng kanyang coach na hindi agad makikita ito kung hindi magpupursigi, at hindi mo mamamalayan na lumalakas ka sa kabila ng mga sakit ng katawan na iindahin.

“Sa taekwondo ay hindi ka lamang gagaling at tataas sumipa na siyang tingin ng iba, sapagkat mas magiging disiplinado kang tao o bilang manlalaro at mas magiging productive ang pangaraw-araw mong routine, lalo na kung gusto mong mag-improve sa kada araw na dadaan,” aniya pa.

D-ISIP-LINA BILANG PUNDASYON NG ANYO

Kasabay ng determinasyon ang disiplina sa pag-aaral sa self- defense. Maituturing din itong bagay na pinakaimportante sa kanila at paalala nga ni Villegas, sa pagkakataong natuto ka na, kailangan mong maging responsable, dahil may abilidad ka na kaya mong makasakit ng kapwa, maliban na lang kung kakailanganin.

Mapanganib man sa paningin ng marami, ngunit kung gagamitin naman sa kabutihan ika nga ng ilang eksperto sa martial arts, nagiging likha ito sa paghubog ng kabuuang personalidad ng tao.


63 views0 comments

Comments


bottom of page