top of page
Writer's pictureBryan Roy Raagas

Bhullar giniba si Vera via TKO; kinoronahang unang Indian MMA champ

Updated: May 31, 2021


KAMAO PARA SA TITULO: Ramdam ng ONE Heavyweight World Champion na si Brandon Vera (kaliwa) ang lakas ng kanang suntok mula sa Indian-based mixed martial artist na si Arjan Bhullar (kanan), sa kanilang laban noong Mayo 15, 2021 na ONE: Dangal Championship main event sa Singapore. | KINUHA MULA SA | Highlights From the Bhullar & Vera Brawl | One Championship | The Home of Martial Arts | OneFC

 

Sumulat ng kasaysayan si Arjan “Singh” Bhullar nang samantalahin sa sahig si Brandon Vera para patigilin ang laban via second-round technical knockout at koronahang unang Indian-based ONE Heavyweight Champion sa ONE: Dangal Championship main event sa Singapore, Mayo 15.

Hinigpitan ni Bhullar ang kanyang kapit at opensa sa ground fight, at halos walang magawa ang kampeon sa loob ng ilang segundo sa kanilang title match, dahilan upang matapos ito.

Binura ng Indian fighter, kasabay ng kanyang pagsungkit ng titulo, ang anim na taong paghahari ng Filipino pride sa heavyweight division.

The plan was to keep patient… the intention is to rule five rounds and I don’t believe he’s got five rounds,” aniya sa kanyang post-fight interview.

Sinimulang makahanap ng butas si Singh, sa tulong ng kanyang overhand right na nagpayanig kay The Truth, sa 3:53 ng ikalawang round.

Nagawa namang makabawi agad ni Vera at nakabalik siya sa kanyang momentum at makipagsabayan pa sa kabuuang laban.

Kinuha sa pasensyahan ng number one contender ang sagupaan at nagkaroon siya ng pagkakataon na yakapin at padapain ang Pinoy papasok sa huling dalawang minuto ng mismong round.

Sinunod-sunod nang patamaan ni Bhullar ang katunggali sa ulo at hindi na halos binigyan ng pagkakataong makapagbitaw ang katapat sa loob ng cage.

Nakatayo naman si Vera mula sa grapplings ng Indian bruiser, subalit pinadapa ulit ito sa final one minute at dito, diniskartehan na siya ng kalaban at patuloy siyang niratsadahan ng mga suntok para tapusin na ni referee Justin Brown ang laban sa loob ng 32 segundo.

Banggit naman ng dating kampeon, ngayon lang siya napagod sa kanyang karera sa loob ng cage at dismayado siya sa kanyang ipinamalas sa kanyang pakikipagtunggali.

Pagkuha sa kanyang 11-1 record sa mula sa kanyang MMA fight, tinatarget ni Bhullar na depensahan ang kanyang titulo kontra undefeated fighter Ji Won Kang (5-0).


17 views0 comments

Comments


bottom of page