top of page
Writer's pictureBryan Roy Raagas

Ilang Rizaleño, Mandaleño Takot Magpabakuna; Side-effects Rason sa Pagtanggi

Updated: May 31, 2021


KINUHA MULA SA | Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Rizal | Facebook

 

Tinanggihan ng karamihan sa mga residente sa bayan ng Binangonan, Rizal at lungsod ng Mandaluyong ang magpaturok ng anumang uri ng vaccines, bunsod ng mga maaaring epekto na maranasan nito matapos gawin ito.

Base sa isinagawang datos sa 150 taong may edad 18 taon pataas mula sa mga nabanggit na lugar, 45.33% ang hindi pabor dito, habang 26% naman ang nais magpabakuna at ang natira ay hindi pa makapagdesisyon.

“Kinakatakutan ko yung side effects, dahil sa mga naunang mga balita na namatay, dahil sa bakuna doon nag-umpisa yung takot ko sa side effect sa ibang tao na kumakalat sa balita,” ani Lorna Ramos, 45 taong gulang.

Dagdag pa niya, malaking epekto ito sa mga tao dahil isa ito sa malaking pangambang dapat nilang katakutan.

Gayunpaman, pinaliwanag ng isang doktor na Australyano at YouTube content creator na si Adam Smith na hindi dapat ikatakot ang pagkakaroon ng anumang uri ng side effects ng kahit anong bakuna.

Maybe four hours after, nilagnat ako, sumakit ang braso, I slept a lot,” dagdag pa niya matapos maturukan siya ng AstraZeneca.

Pinaliwanag pa niya na ang epekto ng anumang uri ng bakuna ay hindi malala, at inaabot lang ito ng isa hanggang dalawang araw at isipin na lang din na kung magkakaroon man ng seryosong epekto sila, kaagad itong maibabalita.

Kaugnay dito, dinugtong niya na may iba’t-ibang epekto rin ang ibang vaccines sa katawan ng tao.

“Base sa narinig ko tungkol sa Pfizer, hindi ganung katindi ang side effects,” sambit ng Australiano.

Hinihikayat din ukol dito ni Pasig City Mayor Vico Sotto na lahat ng mamamayan ay kailangang mabakunahan na sa madaling panahon.

Sabi pa niya sa kanyang panayam sa Tune-In Kay Tunying, kahit ano pang uri ng bakuna iyan ay pipiliin niya, kaysa maghintay siya ng matagal sa bakunang may mataas na efficiency.


10 views0 comments

Comments


bottom of page