Nabakunahan man ang maraming Pilipino sa karamihang parte ng Pilipinas simula nang dumating ang iba’t-ibang uri nito sa bansa, naglilipana pa rin ang ilang Pinoy netizens hindi pa rin kumbinsido na sila’y sumailalim nito sa kabila ng samu’t-saring pangamba.
Gayunpaman, binigyang-linaw ng isang Australian physician at sikat na YouTuber na si Doc Adam Smith kung bakit kailangan talaga nating maturukan ng bakuna sa panahong ito.
PANGAMBANG DULOT NG SIDE EFFECTS
Lumilitaw ang maraming babala na kung anong pwedeng mangyari sa inyo sa pagkakataong iyon, at karaniwan dito ay maaaring pumasok sa iyong nakikita or naririnig lamang.
Isa lamang sa mga nakatanggap ng AstraZeneca si Smith, kasabay ng pagbahagi ng kanyang impormasyon, at isa na nga doon ang pagkakaroon ng posibleng blood clotting, na ayon sa kanyang pananaliksik ay isa sa bawat isang milyon lang maaaring sapitin nito.
“Maybe four hours after, nilagnat ako, sumakit ang braso, I slept a lot,” dagdag pa niya.
Dinagdag pa niya na mas malakas ang immune system ng mga matatanda kumpara sa mga bata sa bakuna, at binanggit niya na hindi ito nakaranas ng ibang karamdaman.
Kaugnay dito, may iba’t-ibang epekto rin ang ibang vaccines sa katawan ng tao.
“Base sa narinig ko tungkol sa Phizer, hindi ganung katindi ang side effects,” sambit ng Australyano.
TUNGGALIAN SA BAKUNA
Tinitignang salik din ng mga mamamayan kung gaano magiging epektibo ito, at saan ito galling. Subalit, binalikwasan ni Doc Adam ang pagkakaroon ng takot mula sa mga nakikita at naoobesrbahan nila.
“I would choose what’s available for me.”
Pinaliwanag pa niya na ang epekto ng anumang uri ng bakuna ay hindi malala, at inaabot lang ito ng isa hanggang dalawang araw. Isipin na lang din na kung magkaroon man ng seryosong epekto sila, kaagaran itong mababalita.
“Kunwari kumain ako ng saging, tapos lumabas ako ng bahay. Tapos malakas ang ulan, o kaya nasagasaan ako ng kotse. Nangyari ba yan dahil sa saging? What I’m talking is correlation and causation,” tuon ni Smith.
Pinatunayan niya rin na walang basehan ang kompanya o kung saan galing ang bakuna sa epekto nito sa tao.
“Sinovac has been used 260 milyon na nagpabakuna na… hindi lang sa Philippines. If this really, wasn’t safe…, this would be visible in the news.”
Laganap ang bakuna, subalit may mga taong hindi pa rin lubos na nagtitiwala sa mga ito. Gayunpaman, mula sa mga impormasyong dapat malaman ng nakarami ukol sa bakuna ay magsilbing gabay sa kanila upang pagkatiwalaan nila ito.
Comentarios